Posted in Short Reads, Uncategorized

Hanggang dito nalang?

LRM_EXPORT_20180822_063645

Hindi ko din alam.
wala akong masagot sa tanong na yan.

Hindi ko din naman kase alam kung anong namagitan satin.
Hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako, o nadala ka lang ng kilig.
Hindi ko din naman alam kung nagandahan ka lang saakin. O kaya nabaitan. O kaya saktong wala kang magawa nung mga oras na yun kaya nung nalibang ka sakin, nasanay ka nalang.

Ay oo. Baka nga talaga nasanay ka nalang sakin.

Nasanay ka, hanggang sa naging mas malalim yung pagkakaibgan natin.
Hanggang sa di natin namamalayan, sa sobrang lalim, nahuhulog na pala tayo sa isa’t isa.
Naaalala ko pa kung paano mo pa ideny na wala kang gusto sakin pero jusko, kitang kita naman sa mga mata mo. Halatang halata sa mga kilos mo.

Ang saya natin na magkaibigan. Yung tipong lahat natin kinukwento sa isa’t isa. Walang sikreto. Walang pag aalinlangan.

Sabi mo mag iingat ako palagi kase kaibigan mo ako.
Sabi mo nanjan ka palagi sakin, kase kaibigan mo ako.
Sabi mo saakin magkwento lang ako sayo ng kung ano ano kase nga, kaibigan mo ako.

Pero napagtanto ko lang, magkaibigan lang ba talaga tayo?

Isang beses tumawid tayo ng kalsada. Hinawakan mo yung kanang kamay ko. Magkaibigan pa ba yun?
Isang beses nagalit ako sayo. Hinalikan mo ako sa noo. Magkaibigan pa ba yun?
Pauwi na sana ako nun kaso biglang sabi mo “I love you”. Magkaibigan lang ba yun kapag ganon?

Hindi naman ata ganyan ang magkaibigan lang.

Nagtataka lang talaga ako. Wala kang binabanggit sakin na kahit ano pero ang galing mo magbigay ng mga motibo.
Yung tipong mapapaisip ako na “ay, may gusto to saakin”.
Tas eto namang si tanga, umasa. Pero buti nalang, di nauwi sa wala. Yun nga lang, may hangganan din naman pala.

Hindi mo ako niligawan, pero tinrato mo ako na parang merong tayo.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na sumugal, kase sa una naman talaga ako naman ang may gusto.

Pero hanggang dito nalang ba talaga tayo? Kakapit sa salitang “siguro”?
Gaano ba ako kahirap panindigan? Gaano ba kahirap bigyan ng lugar ang isang taong mahal mo?

Pero oo, kumapit pa rin ako. Kumapit sa pag asang tatagal tayo. Kumapit sa pag aakalang magiging maayos tayo.
Kaso bigla ko ulit napagtanto, saan pa ba ako kakapit kung wala na kong kakapitan?

Hindi ako scratch paper mo, pero tiniis ko yon dahil nga masaya ako sa kung anong meron tayo.
Kahit na walang tayo.

Inisip ko pa rin na balang araw hindi na ko basta scratch paper mo, kundi canvass na handang bigyan ng kulay at patuloy pa ring makukulayan sa pagtagal ng panahon.

Kaso yun nga lang, hanggang scratch mo lang talaga ako.

Papunta na sana tayo sa sunod na hakbang. Papunta na, umatras ka pa.

Muntik ng maging tayo.
Pero yun nga.

Hangga’t tinitibok pa rin ng puso ko ang pangalan mo,
hangga’t nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita kita,
hanggang sumusulat pa rin ako ng mga ganto tungkol sayo,
mahal pa rin kita.LRM_EXPORT_20180822_063645.jpg

Advertisements

Author:

18, grace, poise, wit |

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s